| |
 Kung ang mga kaarawan nina Andres Bonifacio at Manuel Quezon ay ipinagdiriwang natin bilang "non-working holiday", bakit hindi natin ang ipagdiwang din ang Rizal Day sa petsa ng kang kapanganakan at hindi sa petsa ng kanyang kamatayan. Alam ng marami sa atin na si Rizal, ang pambasang bayani, ay isinilang sa Calamba, Laguna, Ipinatapon sa Dapitan, at hinatulan ng kamatayan sa Bagong Bayan. Ngunit ilan lang ang nakakaalala na si Gat. Jose Rizal ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 o 146 taon na ang nakakaraan. Nararapat lamang siguro na sya at parangalan sa mismong araw ng kanyang kapanganakan at hindi sa kanyang kamatayan.
Maligayang Kaarawan GAT. JOSE RIZAL 
| | |
|
|